Thursday, July 12, 2012

WALA LANG: Ano Ba Talaga Ang Ibig Sabihin?




Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "wala lang"?

Wala raw pero obvious naman. Dine-deny, pero totoo naman. It comes out natural. Intentions nito ay maganda naman daw.

Pero bakit "wala lang" ang sinasabi kahit meron naman talaga? Nahihiya? Natotorpe? Natatakot? Nakalimutan? Nagpapahabol? Nagpapakipot?

Wala lang, ngunit merong laman. Ambiguous, vague, malabo, mahirap maintindihan. Pero kung ikaw ang magsasabi ng "wala lang" sa kausap mo, ano ang ibig mong sabihin? Nakangiti, nakasimangot, kahit sa ano pa mang paraan, ang "wala lang" ay nagpapahiwatig ng kagustuhang may makasama, makausap, makapiling. Ano nga ba talaga? Wala lang. Wala.

"Would you rather confess your love and get hurt or would you keep it by yourself and continue to love but still get hurt?"

'Pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao at pagkatapos, ikaw ay nasaktan, masarap ba ang feeling? O mas masarap ang magmahal na lang sa kalayuan at hindi maipagtapat ang nararamdaman? Parehong masakit. Parehong masarap. Pero kung titimbangin, ano nga ba ang mas masakit? You confessed, got rejected, got hurt. But the pain will go away, at least, nasabi mo. No regrets daw.

You decided not to tell, you will love her/him, but you will see her/him love another person and you get hurt. At least, mahal mo, kahit masakit, masaya naman siya. So, ano sa dalawa ang mas masakit? Wala. Masakit ang hindi magmahal. So, wala sa dalawa. Wala.

"What would be the greatest lie in the world?"

Sabi ng iba, destiny happens. Fate interferes. Liars. Believing that fate or destiny is controlling your life is a great big lie. It does not control us, we control it. It is us who decide what to do, what not to do. If someone falls in love, you are never meant for each other, unless you make it happen. Unless you decide to be destined with each other. Eh, pano kung namatay yung minamahal mo o nawala siya sa buhay mo? Still, it is in the person to decide whether to accept his loss or not. Doon sa naiwan na tao nakasalalay kung habang buhay ba siyang magkukulong sa pait at sakit. Choice niya yun. 'Ika nga: the man is the weaver of his soul. So ano ang sasabihin mo kapag nag-break kayo ng syota mo? Just say, "We decide we were never meant for each other."

Now, folks, this is the summary of this crappy piece of work:

"How will you know that you have fallen in love?"

Sa una, wala lang talaga. You deny na meron talaga. And when you get hurt, kasi meron siyang iba or you are afraid, kasi baka layuan ka, aba teka, pag-ibig na nga ba? That's the time you decide, kung in love ka na ba or hindi pa.

Nose-bleed si Ma'am



Sa isang private school.

At dahil nga private school, ingles ang karaniwang ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pagsasalita. Saktong Filipino time ng klase. Pumasok ang gurong may suot na salamin sa mata.  Naabutan niyang nagchi-chismisan ang mga estudyante sa wikang ingles. Naasiwa ang guro sa kanyang mga narinig.

“Magsitahimik ang lahat!” seryoso ang pagkakawika nito at nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante.  “Dahil Filipino ang aking asignatura, wala ni isa man sa inyo ang magsasalita ng ibang wika, maliwanag?” istriktang wika pa nito.

Tahimik ang lahat sa loob ng room. Hindi nagkikibuan. Ngunit biglang tumayo ang isang estudyante na halatang sa tingin pa lang ay may angking talino na. Nagsalita ito.
“Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matatayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingian, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban.”

Nagkatinginan sa isa’t isa ang bawat estudyante dahil namangha ang mga ito sa kanilang bagong kaklase. Gumuhit sa mukha nila ang ngiti.

Tapos na itong magsalita pero nanatili pa ring nakabuka ang bibig ng guro. Walang lumalabas na salita mula rito. Nose-bleed. Nagmistulang talon ang ilong nito sa malakas na pag-agos ng mapupulang dugo. Nagtawanan at nagpalakpakan ang buong klase sa loob ng classroom na iyon.

“SILENCE!” Galit na galit ang guro. Halatang napahiya siya kaya nakalimutan niyang magsalita ng wikang kailanman hindi niya pinahihintulutan sa kanyang asignatura. Ang wikang English.
Isa na sa mga bagay na hindi maaalis sa atin ay ang English. Ang english na simula noong tumapak ako sa eskwelahan ay ito na ang naituro sa akin. Mula sa mga simpleng pakikipagsalita gaya ng “Good Morning teacher, good morning classmates, how are you today?” At ang walang kamatayang, “Today is Tuesday, September 16, 2000.” Tapos niyan ay lilingon kami agad-agad sa langit sa labas at sabay-sabay kami magsasalita ng, “Today is sunny day”. Minsan, kapag hindi ko alam kung ano’ng weather, lip talk na lang ako.

Tapos, hayon unti-unti nang naglinaw ang mga mata ko sa english. Gaya ng mga subject, ang Science, Math, English, ay nasa salitang ingles. Mga subjects na kailangan pa ng mabuting comprehension, para mas maintindihan ang lesson. So, when I enter high school, hayon na. Nangangapa na. Subjects like Math, Science, English, kung saan mga subjects na majoring pa, isama mo pa ang Mapeh, Values, in contrast sa mga subjects na Araling Panlipunan, Filipino. Hayon, iyon lang ang subject na naituturo sa Filipino.

Minsan, ginagamit din ang ingles sa mga formal (daw) na mga transaction just like an interview, o approaching a higher people. Why simply because sa paningin ng ibang tao na ang taong marunong mag-ingles ay isang taong may mataas na antas na pag-iisip kahit na “Good Morning” lang naman din. Gaya ko, aminado akong naimpluwensiyahan ako ng lengwaheng ito, pero, kailangan eh. Ano magagawa ko? Naalala ko pa nga noong una sa aming debate session (trip lang ng aming teacher), nagsalita ako at fortunately nairaos ko naman na may panlilibak. “I GATE IT!” - I get it! Iyon lang naman ang aking nasabi.

Minsan pa rin, nalilito ako kung paano i-pronounce ang salitang ito--poem. May nagsabi na “poym”, meron din namang, “pom”. Actually hindi ko alam, kaya nga minsan ay natatakot akong magsalita kasi alam mo na ang ibang tao, masyadong particular sa “PRO-noun-CIATION”. Minsan din may mga words na mali pala ang interpretation. Gaya ng ‘siphon’. Inakala kong sipon ito, iyong sakit. Pero sa maniwala kayo't sa hindi, simple lang ang meaning nito. In short, straw. Iyong bent straw.

Marami talaga ang naimpluwenisyahan ang lenggwaheng ito na dala sa atin nina “Hey, Joe!” Oo, sa totoo lang, naimpluwensiyahan talaga tayo, at na-adopt din naman natin. Sabihin man nating we have already our independence, pero talaga nga bang malaya na tayo? O slave pa rin sa impluwenisya nina Joe?

Pero wala tayong magagawa. Ito ang call of nature. Kailangan makipagsabayan. Buti na lang ay kahit papaano ay nakakaintindi ako ng english. Iyong mga simple lang, hindi ko kaya noong mga dibdibang english. Minsan noong nanood ako ng DVD (iyong pirated kasi may subtitles para mas maintindihan) ay bigla akong nalito. Sabi ng bida, “Dude, get off from the plane.” Subtitles, “This is me?” Ano daw?
Pero magpagayunpaman, naniniwala akong malaki din ang ambag ng salitang ito sa pamumuhay ng tao sa buong mundo kasi it’s the universal language. Ang swerte ng mga kano at hindi na nila kailangan pang mag-aral ng bisaya, waray, ilonggo, ilocano, para lang maintindihan natin sila.

On the other side. Hindi naman ako naniniwala na kapag hindi ka marunong mag-ingles ay hindi ka na matalino, same as hindi naman lahat ng marunong mag-ingles ay matatalino rin. Sabi nga ng math teacher ko, “wala akong paki-alam kung ang pronunciation ko ay ‘ay-see-krayam’ - Ice Cream.” Tama! Hindi ka mamatay kung mali ang bigkas mo. Hindi ka rin ipapakulong kung hindi mo nasunod ang rule ng grammar. Ang buhay ay hindi palaliman ng english, kundi palaliman ng nalalaman.

“Why are you laughing? Am I wrong gramming?”