Naranasan
mo na bang mainis sa sarili mo dahil hindi mo na nagagawang tapusin ang iyong
mga takdang-aralin at mag-aral para sa mga pagsusulit, sapagkat hindi mo
maiwasan ang mga tukso na bisitahin ang iyong Facebook account at tingnan ang mga pinakahuling notifications? May mga
pagkakataon ba kung saan sinisisi mo ang Facebook
sa iyong mga mababang marka sa paaralan dahil ito'y nagiging sagabal na sa
iyong pag-aaral tuwing gabi? Ang mga ito ay iilang katanungang makatutulong sa
mga estudyante na matanto ang mga masasamang epekto ng Facebook sa kanilang
pag-aaral.
Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Kahit saan man tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at nakikilala natin ay may kanya-kanyang account sa mga Social Networking Sites na ito. Kung kaya’t pati na ang mga mag-aaral mula sa elementarya, hayskul, at kolehiyo ay naiimpluwensiyang magkaroon ng sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba ang mga Social Networking Sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga estudyante? May mga naidudulot ba itong masasamang epekto sa kanila?
Ang mga Social Networking Sites na ito ay nagiging libangan na ng mga mag-aaral at minsan ay nagiging parte na ng kanilang pamumuhay. Hindi nila nakakalimutang buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan, pagdating sa bahay galing eskwelahan, habang kumakain, habang nag-aaral, habang gumagawa ng takdang-aralin, at bago matulog. Paulit-ulit nila itong ginagawa at hindi pa rin sila nagsasawa. Habang tumatagal, mas madalas na ang pagbukas nila ng kanilang account. Sa gawaing ito, hindi maiiwasan ang mga epekto ng Social Networking Sites sa kanilang pag-aaral. Ngunit hindi naman lahat ng mga epekto nito ay masasama. Parehong may magaganda at masasamang dulot ang mga Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Nagagawa nilang magtanong sa kanilang kaklase tungkol sa mga takdang-aralin. Maaari silang humingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng takdang-aralin sa pamamagitan ng tinatawag na “chat”. Nakakakuha rin sila ng kopya ng mga lektyur ng kanilang mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng mga mahahalagang anunsyo mula sa kanilang guro at kaklase na hindi nasasabi sa loob ng klase. Ito ang mga mabubuting dulot ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa kabila ng mga ito, mayroon ding masasamang epekto ang Social Networking Sites. Hindi sila makatuon ng mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-aralin dahil sa antala na dulot ng Social Networking Sites. Sa halip na gumagawa ng takdang-aralin at nag-aaral, mas inaatupag nila ang paglalaro sa mga tinatawag na “applications” at iba't ibang mga laro sa mga Social Networking Sites, pag-chat, at pagdaan sa tinatawag na mga profile ng kanilang mga kaibigan. Kapag hindi nila mapigilan ang kanilang sarili sa kakabisita sa mga Social Networking Sites, at tumatagal na sa harap ng kompyuter, nawawalan na sila ng oras para mag-aral at gumawa ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa tinatawag na “cramming” na makakasama para sa kanilang pagganap sa paaralan dahil sa halip na makinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang takdang-aralin sa loob ng klase, at nag-aaral para sa ibang asignatura. Kung kaya't maaari silang makatanggap ng mga mababang marka sa mga pagsusulit at gawain sa eskwela.
Mula sa aking mga nabanggit na mabubuting dulot ng tinatawag nating Social Networking Sites, mabuti naman ito para sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag nasobrahan na ang paglipas nila ng kanilang oras sa mga Social Networking Sites, pumapasok na ang mga masasamang epekto ng mga ito. Sabi nga nila, “Take everything moderately.” Sa pamamagitan nito at ng paggamit nga mga Social Networking Sites sa tamang layunin, paraan, at oras ay maiiwasan ang masasamang epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

sa tingin, nasa sa tao lang din yan kung paano niya i ma2nage oras niya sa mga importanteng bagay na dapat nyang gawin at sa mga bagay na libangan niya
ReplyDelete:)
gano'n kasi ako..marahil minsan ganon ka rin..:-)
Delete