Maraming tao ay nag-aakala na ang
mga videogames ay biolente at ang paglalaro nito ay isang aaksaya
lamang ng oras. Ilang porsyento ng tao ay nagsasabi na hindi nakakapag-turo ang
mga videogames, lalo na sa mga bata. Sinasabi rin nila na ang paglalaro
nito ay walang mabuting maidudulot at ito ay nagiging sanhi sa pagiging tamad
sa paggawa ng takdang-aralin at mga gawaing pambahay. Masasabi kong, oo, ito ay
may katotohanan subalit ang kaalaman ay makakamtan sa iba’t ibang paraan at
ang videogames ay kasali rito.
Bago ang lahat, hindi lahat ng
mga videogames ay hindi gumagamit ng pag-isip at hindi lahat ay puro
sa kalokohan lamang. Mayroon mga larong videogames na nag-eengayong
gumamit ng pag-iisip. Kasali rito ang mga puzzle games,larong simulasyon,
at quiz games na nagpapagana at nagpapatakbo ng kritikal na
pag-iisip. Hindi lang iyon, pati naman ang mga biolenteng mga laro tulad
nga videogames na panggera at fighting games ay nagbibigay
rin ng mga kakaibang kaalaman na maari o di maaring makatulong sa iyong buhay.
Ang mga kaalaman na maidudulot dito ay nagrarango sa mga kaalaman
panghistorikal hanggang sa mga trivia at kahit na mga estratehiya na naipupulot
sa mga larong ganito ay maaring makapag-turo sa tao. At mayroon pa, maaring
mapulot ang malawak na vokabularyo at gramatika sa mismong mga videogames.
Sa totoo lang, natunan ko ang aking vokabularyo at gramatika sa mismong
mga videogames. Isa pang paraan na makakatulong ang paglalaro ng videogames na
hindi kinikilala ng marami ay na angvideogames ay isang nurture
reading. Sa kabataan ngayon na laging tinatamaan ng pag-iinip, ang
paglalaro ng videogames ay pwedeng gamitin para sa pagtaguyod ng paglilibang
at pagbabasa. Halos lahat ng mgavideogames ay talagang mga piraso ng
panitikan na nilalaruan ng mga tao.
Kung hindi ka pa kumbinsido, tingnan
mo ang mga laro tulad ng Bookworm,Text Twist at iba pang mga larong
pang-edukasyon na mahanap sa Facebook. Ang mga ito ay maaring magtaguyod
ng kaalaman sa tao at maglaan ng kakaiba at masayang paraan ng pagkakalap
ng iba’t ibang uri ng impormasyon at kaalaman.
No comments:
Post a Comment