Sa lupang malupit,
Suot mo'y busilak
Kawangis ng sa ating angkan sa langit.
Tusong nagpabuyo
Sa alok ng bangin at dugong mainit,
Ikaw ay nagbilad
Pag nagkukumot na ang mabunying araw,
Mga salamisim mong nagbibigay-kulay
Sa inuusapa'y.
Nagsapanday man din sila sa palitang lupa
Na naging putikan.
Aalalayan ka sa iyong pag-uwi;
Sa paglayo
Sa lupang maputik
At paghayo
Ng paang marumi
Sakdal-sala ikaw na dapat magsisi.
Ano kung mayroong piring ang katarungan?
Ano kung may lubak ang niyayapakan?
Bangon at tumayo
Tanang kabutihan ay susunod sa iyo.
At itong umaga
Mauuwing magaganda't makulay sa anyo.
Ang TULA na ito ay isang lahok sa ika-apat na
Sanggola Blog Awards 2012 na may temang "Lakbay."
Ramdam ko ang bawat salita... nagbibigay pag-asa ang tulang ito...
ReplyDeleteGood Luck sa entry ^^
Marami pong salamat sa'yo. at good luck din po sa entry niyo.
DeleteSino ang author ng tula ng "umaga pagkatopos ng isang maputik na paglalakbay"
Delete