Monday, December 12, 2011

Imbitasyon Mula sa Saranggola Blog Awards



12.9.11 

Binuksan ko ang Yahoo! Mail ko. Hindi ko inaaasahan na 'yong isang mensahe na pinadala sa akin ay mula sa Saranggola Blog Awards. Yahoo! Nanalo 'yong entry ko sa kategoryang Blog(freestyle) na "Ang Luma Kong Laruan." Ang saya-saya ng pakiramdam ko. INBITASYON? Iniimbitahan ako ng SBA na dumalo sa araw ng awarding--sa Desyembre 17, 2011 sa Sabado, ala-6 ng gabi . Ito ang kauna-unahang pangyayari na nanalo ako sa isang writing contest nationwide. Laking pasasalamat ko sa Diyos. Ito 'yong regalo na natanggap ko ngayong pasko mula sa Kanya.

Pero ang malungkot lang ay hindi ako makakapunta sa nasabing araw na iyon dahil hindi ko kabisado ang Manila. At isa pa, wala akong kasama na pupunta doon. Nakakalungkot dahil hindi ko personal na makukuha ang award na para sa akin, hindi ako makakaakyat sa kanilang entablado sa harap ng maraming desenting tao. Taga-probinsya kasi ako. CAPIZ--proud to be.

Nag-email ako sa Saranggola Blog Awards tungkol sa problema kong ito at agad naman nila sinagot ang aking email,

"Okay pwede ka bang magrecord ng speech not more than 1 minute. Para yun ang ipapakita namin during the awarding. Ipapadala ko na lang ang prize sa’yo. Paki-send din kung san puwede ipa-LBC."

OM…mas maganda pa rin kung makakadalo ako. Gusto kong maranasan ito sa tanang ng buhay ko. Ika nga, Once a year lang ito kung ganapin.

Tuesday, September 20, 2011

Ang Luma Kong Laruan


Nagkaroon ka ba ng laruan na tumagal ng mahabang panahon at ngayon ay gumagana pa rin? ‘Yong laruan na palagi mong hawak at kasama noong bata ka pa. Ang laruan na palagi mong makikita kapag pumasok ka sa kuwarto mo. Hindi mo na nilalaro. Nakapatong na lang sa isang tabi at tila nakatingin sa’yo.

May laruan akong robot. Labing-isang taong gulang na ito. Hindi kabilang sa kupunan ng mga Decepticons o ng mga Autobots. Hindi rin siya kakambal ni Optimus Prime dahil masyadong maliit rin ito. Kung nag-aakala kang ito ang kaisa-isang pinsan ni Bumblebee, nagkakamali ka. Ang pangalan niya ay Zadak. Binigay sa akin ng Tito ko na galing Saudi. Tatlo kami ng mga pinsan ko ang binigyan niya nito. Ang palayaw naming tatlo ay Jan-Jan, Jan-Jan at Jan-Jan. Pare-pareho lang.

Grade IV pa lang kami noon nang namigay siya. Magkaedad kaming tatlo kaya magkaklase din kami. Wala na ang robot nila pareho. Nagkalasog-lasog na ang katawan ng mga ito pero ang robot ko ay malusog pa rin. Mas malusog pa sa akin. Kahit hindi siya mahilig kumain, busog na busog pa rin at ang lusog-lusog. Mahilig sa gulay kaya berde.

Kapag pinaandar ko ito, iilaw ng pula ang mga mata at dibdib niya. At berde naman ang sa dulo ng kanyang baril. Nagsasalita ito.

“My name is Zadak. Drop your weapon. Fire!”

At magpapaputok ito habang umiikot ang kalahating katawan. Maglalakad. Hihinto at muling magsasalita. Paulit-ulit lang ‘yon. Ngingiti-ngiti pa ako noon. Ang saya ng pakiramdam ko habang minamasdan ito. Pero hindi ako nagsasawa sa panonood at pakikinig sa kanyang ginagawa. (Ganyan talaga kapag laruan na ang kaharap ng isang bata. Walang kasawa-sawa.)

Para sa ibang tao, walang halaga sa kanila ang bagay na pinahahalagahan mo sapagkat hindi naman nila alam kung bakit ito mahalaga sa’yo.

Minsan ng may nangyari sa robot ko. Hindi siya nabuntis at lalong hindi siya umihi ng dugo dahil hindi naman talaga nabubuntis at umiihi ang isang laruang robot.

Umuuwi ako sa amin sa probinsiya kapag sabado dahil sa lungsod ako nag-aaral. ‘Pag pasok ko sa luwarto ko, may napasin ako na kakaiba sa loob. Parang may bagay na gusto kong makita pero hindi ko mahanap. At rumihestro agad sa isip ko na may nawawala nga. Ang robotko.  Hindi naman siguro ‘yon dinukot ni Megatron para tubusin at sumuko sa kanya si Optimus Prime. Malabong mangyari pa ‘yon dahil natigok na si Megatron sa Transformers: Dark of the Moon.

Hinanap ko sa buong bahay pero hindi ko talaga nakita. Tinanong ko si Mama at sa kasamaang palad, ang robot ko ay binigay niya sa iba. Nagalit ako. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Mahigit pitong taong gulang ang batang binigyan niya. Ni hindi ko nga kilala ‘yon. Aanhin ko naman daw ‘yong robot eh malaki na naman daw ako.

Pero mahalaga sa akin ‘yon dahil bigay pa ‘yon sa akin ng Tito ko na ngayon ay lasinggero. Pinabawi ko kay Mama ang laruan ko. Naawa naman ako do’n sa bata kasi tumulo ang mga luha nito. Nahiya naman ako sa sarili ko eh kasi bata ‘yon. Alam kong nagdulot ito sa kanya ng tuwa at saya nang makatanggap ng laruan. Naramdaman ko rin ito noong bata pa ako.

Hindi sa madamot akong tao. Talagang pinapahalagahan ko lang‘yon kaya iningatan ko ng mahabang panahon para hindi masira.

Entry para sa kategoryang Blog o (freestyle) ng Ikatlong Saranggola Blog Awards.

Please i-LIKE, SHARE at  COMMENT niyo po itong entry ko, ito 'yong LINK niya:http://www.saranggolablogawards.com/2011/10/ang-luma-kong-laruan-blog.html
Inyo sanang suportahan ito. Sa November 30 na po ang last para sa LIKE, SHARE at COMMENT. Maraming salamat po!


Thursday, August 18, 2011

The Month Of August

  • is the 8th month of the year.
  • one of 7 months having 31 days.
  • originally named ‘Sextilis’ meaning the 6th month before January and February were added to the original 10-month calendar.
  • named after the Roman Emperor Augustus, a nephew of Julius Ceasar.
  • originally had only 30 days but was lengthened to 31 as the Roman Senate thought it should equal Julius’ month (July) as they are both superior. Hence, August breaks the chain of alternating 30 and 31 days (except February) in the Julian Calendar.
  • August and February start on the same day in leap years while in ordinary years, August starts on the day of the week like no other months do.
  • the extra day that was added to August was taken from February which then had 29 days in common years and 30 in leap years. This was done to adjust and fill the importance of August.
  • people born on this month fall under the signs of Leo and Virgo.
  • birthstone is Peridot.
  • birth flower is Poppy.
  • August is the month when the Perseids meteor shower occurs.
  • Ushers the ‘BER’ months.
  • Famous birthday celebrants of this month include US President Barrack Obama, King of Pop Michael Jackson, Queen Elizabeth (the mother), Astronaut Neil Armstrong, Mother Teresa, NBA Star Kobe Bryant, Wrestling Superstar Hulk Hogan, Novelist Danielle Steel, Pop Icon Madonna, Actors Ben Affleck and Richard Gere, Jonas Brothers’ Joe and Harry Potter’s Rupert Grint.
  • At ang pinakahuli, kung hindi dahil sa buwan na ito, hindi nagsimula ang blog kong ito.