Monday, December 12, 2011

Imbitasyon Mula sa Saranggola Blog Awards



12.9.11 

Binuksan ko ang Yahoo! Mail ko. Hindi ko inaaasahan na 'yong isang mensahe na pinadala sa akin ay mula sa Saranggola Blog Awards. Yahoo! Nanalo 'yong entry ko sa kategoryang Blog(freestyle) na "Ang Luma Kong Laruan." Ang saya-saya ng pakiramdam ko. INBITASYON? Iniimbitahan ako ng SBA na dumalo sa araw ng awarding--sa Desyembre 17, 2011 sa Sabado, ala-6 ng gabi . Ito ang kauna-unahang pangyayari na nanalo ako sa isang writing contest nationwide. Laking pasasalamat ko sa Diyos. Ito 'yong regalo na natanggap ko ngayong pasko mula sa Kanya.

Pero ang malungkot lang ay hindi ako makakapunta sa nasabing araw na iyon dahil hindi ko kabisado ang Manila. At isa pa, wala akong kasama na pupunta doon. Nakakalungkot dahil hindi ko personal na makukuha ang award na para sa akin, hindi ako makakaakyat sa kanilang entablado sa harap ng maraming desenting tao. Taga-probinsya kasi ako. CAPIZ--proud to be.

Nag-email ako sa Saranggola Blog Awards tungkol sa problema kong ito at agad naman nila sinagot ang aking email,

"Okay pwede ka bang magrecord ng speech not more than 1 minute. Para yun ang ipapakita namin during the awarding. Ipapadala ko na lang ang prize sa’yo. Paki-send din kung san puwede ipa-LBC."

OM…mas maganda pa rin kung makakadalo ako. Gusto kong maranasan ito sa tanang ng buhay ko. Ika nga, Once a year lang ito kung ganapin.

No comments:

Post a Comment