Showing posts with label review. Show all posts
Showing posts with label review. Show all posts

Monday, July 30, 2012

Bahala na si Batman

Isang common na kasabihan ng mga tao ngayon, lalo na kapag hindi na nila alam ang kanilang gagawin o kung aasa na lang sa pagkakataon. Sa tuwing tayo ay may mga pagsusulit, at hindi tayo nakapag-aral, “bahala na” ang ating naririnig. Kapag tayo’y sumusuko na at napapagod sa ating mga ginagawa, ang pariralang “bahala na” ay muli nating maririnig. Nakatanim na ito sa ating mga isipan, kung kaya’t naging pang-araw-araw na salawikain na natin ito.

Pero naisip ba ninyo kung bakit si Batman na lang palagi? Bakit hindi puwedeng si Superman? Si Spiderman? O si Wonder Woman? O di kaya si Ironman?

O di kaya locally. Bakit hindi, "Bahala na si Panday", o di kaya, "Bahala na si Darna"?

Siguro kung may totoong "Batman", magtataka ‘yon ng husto. Malamang ‘yan ay magtatanong ng ganito:

“BAKIT AKO NA LANG PALAGI? ANO BA ANG KINALAMAN KO DIYAN SA MGA PROBLEMA NINYO? BAKIT LAGI NA LANG AKO?”

Pero ang totoo, ang “Bahala na si Batman,” ay ibang paraan ng pagsabi na, “Ang Diyos na ang bahala.” Ang “bahala na” ay isang parirala na madalas nating marinig lalo na sa mga estudyante, tulad ko. Sa tuwing tinatamad na tayong mag-aral at gawin ang ating mga proyekto, at mga takdang-aralin, itong parirala ang lagi nating tugon. Kadalasan, kusa na itong lumalabas sa ating mga bibig kapag sa tingin natin ay sapat na ang ating nagawa. Ngunit ang hindi natin namamalayan, ito ay isang negatibong kaugalian na ating kinasasanayan.

Hindi ko sinasabi na isang masamang bagay ang pagtitiwala natin sa Diyos. Ngunit sa pagsabi ng “bahala na” ipinapakita natin na tayo ay nagpapaunlak sa ating sarili na gawin lamang ang kung ano ang kinakailangan at umasa na lamang sa hangad ng Diyos. Ipinapakita natin na tayo’y madaling sumuko, pinaghihinaan ng loob at wala ng pag-asa. Dito, natututo tayong maging tamad at pabaya sa ating pag-aaral. Nawawala na ang ating pangganyak na magsumikap para sa karagdagan. Iniisip na lamang natin na ang ating mga ginagawa ay lihis sa ating mga kamay.
 
Ngunit bago natin ipahayag ang salitang “bahala na” bakit hindi muna nating subukin tanungin ang ating sarili kung iyon na nga ba ang pinakamahusay na ating magagawa, o kung wala na ba talagang ibang pwedeng gawin na ikabubuti nito.


Wala tayong patutunguhan sa salitang "bahala na." Kaya kung hinahangad nating maging matagumpay sa hinaharap, gawin natin ang pariralang "bahala na" ang huling salita na ating isusumbat.

Thursday, July 12, 2012

WALA LANG: Ano Ba Talaga Ang Ibig Sabihin?




Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng "wala lang"?

Wala raw pero obvious naman. Dine-deny, pero totoo naman. It comes out natural. Intentions nito ay maganda naman daw.

Pero bakit "wala lang" ang sinasabi kahit meron naman talaga? Nahihiya? Natotorpe? Natatakot? Nakalimutan? Nagpapahabol? Nagpapakipot?

Wala lang, ngunit merong laman. Ambiguous, vague, malabo, mahirap maintindihan. Pero kung ikaw ang magsasabi ng "wala lang" sa kausap mo, ano ang ibig mong sabihin? Nakangiti, nakasimangot, kahit sa ano pa mang paraan, ang "wala lang" ay nagpapahiwatig ng kagustuhang may makasama, makausap, makapiling. Ano nga ba talaga? Wala lang. Wala.

"Would you rather confess your love and get hurt or would you keep it by yourself and continue to love but still get hurt?"

'Pag sinabi mo na mahal mo ang isang tao at pagkatapos, ikaw ay nasaktan, masarap ba ang feeling? O mas masarap ang magmahal na lang sa kalayuan at hindi maipagtapat ang nararamdaman? Parehong masakit. Parehong masarap. Pero kung titimbangin, ano nga ba ang mas masakit? You confessed, got rejected, got hurt. But the pain will go away, at least, nasabi mo. No regrets daw.

You decided not to tell, you will love her/him, but you will see her/him love another person and you get hurt. At least, mahal mo, kahit masakit, masaya naman siya. So, ano sa dalawa ang mas masakit? Wala. Masakit ang hindi magmahal. So, wala sa dalawa. Wala.

"What would be the greatest lie in the world?"

Sabi ng iba, destiny happens. Fate interferes. Liars. Believing that fate or destiny is controlling your life is a great big lie. It does not control us, we control it. It is us who decide what to do, what not to do. If someone falls in love, you are never meant for each other, unless you make it happen. Unless you decide to be destined with each other. Eh, pano kung namatay yung minamahal mo o nawala siya sa buhay mo? Still, it is in the person to decide whether to accept his loss or not. Doon sa naiwan na tao nakasalalay kung habang buhay ba siyang magkukulong sa pait at sakit. Choice niya yun. 'Ika nga: the man is the weaver of his soul. So ano ang sasabihin mo kapag nag-break kayo ng syota mo? Just say, "We decide we were never meant for each other."

Now, folks, this is the summary of this crappy piece of work:

"How will you know that you have fallen in love?"

Sa una, wala lang talaga. You deny na meron talaga. And when you get hurt, kasi meron siyang iba or you are afraid, kasi baka layuan ka, aba teka, pag-ibig na nga ba? That's the time you decide, kung in love ka na ba or hindi pa.

Sa Kapangyarihan ng Copy-Paste Project



Sa pagsulong ng teknolohiya ay kaalinsabay ng kaunlaran at ekonomiya. Kinalawang na ang mga makinilya at pinalitan ng mga makabagong kagamitan tulad ng laptop at desktop computers.

Ang mga binubukbok na mga libro ay wala na ring silbi dahil nandyan naman na daw ang internet. Hindi na kailangan magkandaduling sa paghahanap sa mga estante ng libro at mga pahina para makita ang hinahanap mo. Nandyan na kasi si Yahoo! at kaibigang Google. Mas pinapadali ang buhay ng mga estudyante, nagpapanggap na estudyante at mga propesyonal.
Sa eskwelahan hindi lang isa o dalawang project o assignment ang bubunuin mo para makakuha ng magandang grado. Ito ang madalas na reklamo ng mga nag-aaral lalo na ang mga nasa kolehiyo.

Meron major at minor na nagpapaka-major subjects. Pinapagawa ka ng research paper, term paper, essay o mga report. Wag mag-alala. Dahil prenteng maupo ka na lang at humarap sa computer. Puwera na lang sa mga book at movie reviews na kailangan ng opinyon mo o di kaya ay mga essay. Buksan ang koneksyon sa internet wala pang kapawis-pawis ay may ipapasa ka na para bukas. Bubuksan ang Microsoft Word. Copy. Paste. Print.

Mas madami ka ng oras para sa facebook i-check ang iyong mga tanim o ang pinapatakbo mong City. Sumulyap sa mga profile ng iyong crush o mga larawan ng mga kaibigan. O kaya naman ay mas marami ka ng oras para sa pustahan nyo sa online games mas nag-iinit ka pa nga sa pagpatay at mas matalas pa ang mata mo sa paghahanap ng kalaban kaysa sa kakatapos mo lang na project.

Pagpasok mo pare-pareho kayo ng gawa ng mga kaklase mo magtataka ka pa ba pareho kayong kumuha sa internet nagkakaiba lang sa font size, font style, disenyo, larawan kung colored at siyempre sa pangalan na nakalagay sa submitted by.
Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ko ginawa yun. Hindi lang isang beses o dalawa kundi madami na dahil din sa katamaran at sa pagkakaroon ng mas mabigat na prayoridad sa ibang subjects.

Sino ba naman ang magbabasa noon o binabasa ba talaga ng professor ang pinasa mo? Okey na ito makapagpasa lang. Ganyan ang linya ko din dati na malamang naging linya niyo na rin.

Nagbago ito ng maranasan kong ihagis ng isang professor ang gawa namin lahat. Ibinalik sa amin ng may kulay pulang panulat. Naglitanya siya na maaari kaming kasuhan ng plagiarism sa ginawa namin. At kung gagamitan daw ito ng software, oo may software na maaaring makakita kung alin ang original at sa kinopya lang ay tiyak na mga ilan lang ang mga salitang original dito. Iba ang inaral sa binasa, iba ang inaral sa isinapuso at mas lalong iba ang isinapuso sa tinatak sa utak.

May nagbabasa ng wala din ang aral na naiwan. May inaral ng hindi isinapuso ang binasa. May isinapuso ang pagbabasa pero walang iniwang tatak sa utak kaya madali ding makakalimutan.

Maaaring may mga nagpapagawa ng project ng akala mo wala lang, walang kinalaman sa subject o walang kinalaman sa buhay mo o sa kursong kinukuha mo pero hindi lahat. May mga project na kahit walang kinalaman sa subject ay gusto lang ituro ng propesor na maging kritikal.

Matutunang mag-analisa. Matutunang magsuri. Matutunang magbuo ng mga salita, pangungusap at nga sariling likha mula sa pinagkunan. Dahil ito ang magiging bala mo sa tunay na mundo. Tandaan mo ang Google ay hindi kasing kahulugan ng research o thesis. Ngayon kung makakuha ka man ng mataas na grado sa pinasa mo pero copy-paste lang ano ang silbi kung wala ka ring natutunan?

Monday, December 12, 2011

Imbitasyon Mula sa Saranggola Blog Awards



12.9.11 

Binuksan ko ang Yahoo! Mail ko. Hindi ko inaaasahan na 'yong isang mensahe na pinadala sa akin ay mula sa Saranggola Blog Awards. Yahoo! Nanalo 'yong entry ko sa kategoryang Blog(freestyle) na "Ang Luma Kong Laruan." Ang saya-saya ng pakiramdam ko. INBITASYON? Iniimbitahan ako ng SBA na dumalo sa araw ng awarding--sa Desyembre 17, 2011 sa Sabado, ala-6 ng gabi . Ito ang kauna-unahang pangyayari na nanalo ako sa isang writing contest nationwide. Laking pasasalamat ko sa Diyos. Ito 'yong regalo na natanggap ko ngayong pasko mula sa Kanya.

Pero ang malungkot lang ay hindi ako makakapunta sa nasabing araw na iyon dahil hindi ko kabisado ang Manila. At isa pa, wala akong kasama na pupunta doon. Nakakalungkot dahil hindi ko personal na makukuha ang award na para sa akin, hindi ako makakaakyat sa kanilang entablado sa harap ng maraming desenting tao. Taga-probinsya kasi ako. CAPIZ--proud to be.

Nag-email ako sa Saranggola Blog Awards tungkol sa problema kong ito at agad naman nila sinagot ang aking email,

"Okay pwede ka bang magrecord ng speech not more than 1 minute. Para yun ang ipapakita namin during the awarding. Ipapadala ko na lang ang prize sa’yo. Paki-send din kung san puwede ipa-LBC."

OM…mas maganda pa rin kung makakadalo ako. Gusto kong maranasan ito sa tanang ng buhay ko. Ika nga, Once a year lang ito kung ganapin.

Thursday, August 18, 2011

The Month Of August

  • is the 8th month of the year.
  • one of 7 months having 31 days.
  • originally named ‘Sextilis’ meaning the 6th month before January and February were added to the original 10-month calendar.
  • named after the Roman Emperor Augustus, a nephew of Julius Ceasar.
  • originally had only 30 days but was lengthened to 31 as the Roman Senate thought it should equal Julius’ month (July) as they are both superior. Hence, August breaks the chain of alternating 30 and 31 days (except February) in the Julian Calendar.
  • August and February start on the same day in leap years while in ordinary years, August starts on the day of the week like no other months do.
  • the extra day that was added to August was taken from February which then had 29 days in common years and 30 in leap years. This was done to adjust and fill the importance of August.
  • people born on this month fall under the signs of Leo and Virgo.
  • birthstone is Peridot.
  • birth flower is Poppy.
  • August is the month when the Perseids meteor shower occurs.
  • Ushers the ‘BER’ months.
  • Famous birthday celebrants of this month include US President Barrack Obama, King of Pop Michael Jackson, Queen Elizabeth (the mother), Astronaut Neil Armstrong, Mother Teresa, NBA Star Kobe Bryant, Wrestling Superstar Hulk Hogan, Novelist Danielle Steel, Pop Icon Madonna, Actors Ben Affleck and Richard Gere, Jonas Brothers’ Joe and Harry Potter’s Rupert Grint.
  • At ang pinakahuli, kung hindi dahil sa buwan na ito, hindi nagsimula ang blog kong ito.