Showing posts with label hurror. Show all posts
Showing posts with label hurror. Show all posts

Monday, July 30, 2012

Bahala na si Batman

Isang common na kasabihan ng mga tao ngayon, lalo na kapag hindi na nila alam ang kanilang gagawin o kung aasa na lang sa pagkakataon. Sa tuwing tayo ay may mga pagsusulit, at hindi tayo nakapag-aral, “bahala na” ang ating naririnig. Kapag tayo’y sumusuko na at napapagod sa ating mga ginagawa, ang pariralang “bahala na” ay muli nating maririnig. Nakatanim na ito sa ating mga isipan, kung kaya’t naging pang-araw-araw na salawikain na natin ito.

Pero naisip ba ninyo kung bakit si Batman na lang palagi? Bakit hindi puwedeng si Superman? Si Spiderman? O si Wonder Woman? O di kaya si Ironman?

O di kaya locally. Bakit hindi, "Bahala na si Panday", o di kaya, "Bahala na si Darna"?

Siguro kung may totoong "Batman", magtataka ‘yon ng husto. Malamang ‘yan ay magtatanong ng ganito:

“BAKIT AKO NA LANG PALAGI? ANO BA ANG KINALAMAN KO DIYAN SA MGA PROBLEMA NINYO? BAKIT LAGI NA LANG AKO?”

Pero ang totoo, ang “Bahala na si Batman,” ay ibang paraan ng pagsabi na, “Ang Diyos na ang bahala.” Ang “bahala na” ay isang parirala na madalas nating marinig lalo na sa mga estudyante, tulad ko. Sa tuwing tinatamad na tayong mag-aral at gawin ang ating mga proyekto, at mga takdang-aralin, itong parirala ang lagi nating tugon. Kadalasan, kusa na itong lumalabas sa ating mga bibig kapag sa tingin natin ay sapat na ang ating nagawa. Ngunit ang hindi natin namamalayan, ito ay isang negatibong kaugalian na ating kinasasanayan.

Hindi ko sinasabi na isang masamang bagay ang pagtitiwala natin sa Diyos. Ngunit sa pagsabi ng “bahala na” ipinapakita natin na tayo ay nagpapaunlak sa ating sarili na gawin lamang ang kung ano ang kinakailangan at umasa na lamang sa hangad ng Diyos. Ipinapakita natin na tayo’y madaling sumuko, pinaghihinaan ng loob at wala ng pag-asa. Dito, natututo tayong maging tamad at pabaya sa ating pag-aaral. Nawawala na ang ating pangganyak na magsumikap para sa karagdagan. Iniisip na lamang natin na ang ating mga ginagawa ay lihis sa ating mga kamay.
 
Ngunit bago natin ipahayag ang salitang “bahala na” bakit hindi muna nating subukin tanungin ang ating sarili kung iyon na nga ba ang pinakamahusay na ating magagawa, o kung wala na ba talagang ibang pwedeng gawin na ikabubuti nito.


Wala tayong patutunguhan sa salitang "bahala na." Kaya kung hinahangad nating maging matagumpay sa hinaharap, gawin natin ang pariralang "bahala na" ang huling salita na ating isusumbat.

Wednesday, February 15, 2012

No Smoking!


Government Warning:
"Cigarette smoking is dangerous to your health."

This statement tells that the end product of smoking is killing. And it is the cause of having a cancer. People died just because of smoking. Even though you're not using cigarette, you are also affected caused by secondhand smoking. You are wasting your money for those tobacco consumption. So addicted. 

Nicotine is the drug in tobacco that causes addiction.
-World Health Organisation (WHO)

Even you have no enough money, but still you have a budget to buy cigarettes. You gain nothing but your health get unlimited diseases. So, to those who are not yet testing tobacco, don't attempt to try because once you start it, you can't stop it!


Wednesday, January 04, 2012

Kababalaghan sa Aming Simbahan



Bata pa lang ako, paulit-ilit ko ng naririnig ang tungkol sa kababalaghang nangyayari sa simbahan namin. Marami ng pastor ang dumaan sa amin na naeksperyensiya ng mga ganitong bagay at pare-pareho lang ang naririnig kong kuwento mula sa kanila.

Isang gabi, mahimbing daw ang tulog ng pastor sa parsonage nang magising siya ng isang ingay na nagmumula sa loob ng simbahan. Bumangon siya para alamin kung ano ang ingay na iyon. Mula sa maliit na butas ng bintana ng simbahan, sinilip niya doon kung ano ang nasa loob nito.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Isang lalaki na walang ulo ang naglalakad pababa sa hagdan ng altar habang hila-hila nito ang kadenang nakagapos sa paa.

Ikinuwento niya ito sa presidente ng aming simbahan kinaumagahan. Ngunit hindi ito naniwala sa kanyang sinabi. Baka guni-guni lang daw niya iyon.

Nakaranas rin ang isa pang bago naming pastor sa unang gabi niya sa simbahan. Pasado alas-diyes na raw. Naghahanda na siya para matulog nang biglang may kung ano’ng bagay ang napakalakas na humampas sa pintuan ng parsonage. Kumabog ng husto ang dibdib niya. Nag-umpisang namuo ang takot sa puso niya. Wala siyang balak na buksan ito kung sino man ang nasa labas.

Naghihintay siyang hahampas ulit ito ngunit hindi na naulit. Pinabayan na lamang niya iyon at humiga na lang. Nandoon pa rin ang pagkabahala niya.

Nakatulog na sana siya ng magising siya ng mahinang katok mula sa pintuan. Bumangon siya para buksan ito ngunit nagdalawang-isip siya.

“Sino ‘yan?” tanong na lamang niya.

Ngunit walang sumasagot.

Muling kumatok na naman. At doon na siya nagdesisyong buksan na lang ito.

Guide me, Lord! Sabi ng isip niya.

Pagbukas niya ng pinto, wala siyang nadatnang tao. Pero napasigaw siya nang may humagis sa harapan niya ng isang duguang bibliya. Sa matinding takot, isinara niya kaagad ang pinto at ini-lock ito.

Ikinuwento niya ito kinabukasan sa amin pagkatapos naming magpraktis ng choir. Kasama ko ang mga young people at ibang miyembro ng simbhan namin. Doon ko na rin unang narinig ang tungkol sa nakita ng dati naming pastor. ‘Yong pugot na humihila ng kadena.

Hindi lang ang mga pastor namin ang nakakaranas ng ganitong mga kababalaghan dahil minsan ang kapwa ko young people na si June (hindi tunay na pangalan) ay natulog sa parsonage. Wala noon ang pastor namin, umuwi sa kanila. Nakahiga si June sa kama ng isa sa kuwarto ng parsonage. Sumigaw siya ng sumigaw ng biglang gumalaw ang hinihigaan niya. Parang nilalaro siya nito.

Matagal daw iyon bago huminto. At dali-dali siyang lumabas sa parsonage at umuwi sa bahay nila. Hindi na siya doon natulog sa parsonage.

Doon na ako naniwala sa mga kuwento ng mga pastor at ng mga kaibigan ko na nakaranas na rin nang mismo ay maranasan ko na rin ang totoong nangyayari.

May camp noon sa simbahan namin. Nang gabing iyon ay nagme-meeting kaming mga officers nang makarinig kami ng kung ano’ng ingay na nagmumula sa CR. Binaliwala lang iyon ng mga kasama ko. Ngunit dahil sa pagtataka, pinuntahan ko ang CR ng mag-isa. Nakasara ito. Kinatok ko kung may tao, pero walang sumasagot.

Tinulak ko ang pinto ngunit hindi mabuksan, naka-lock yata.

Naghanap ako ng butas na puwedeng masilipan ay may nakita ako. Sinilip ko ‘yon. Biglang nanginig ang buo long katawan. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis ng panginginig ng mga tuhod ko. Hindi ko magawang sumigaw  dahil hindi ko magalaw ang bibig ko. Nabalot ng lamig ang buo kong katawan.

Pagkasilip ko nakita kong sumilip rin sa akin ang babaeng duguan.

Napag-usap na rin nab aka hindi pa nabindensyonan ang parsonage naming kaya kung anu-ano ang mga nagpapakita.